Tuesday, July 8, 2008

100% Pinoy!

Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang isang pangyayari na nakapagpatunay sa aking pagkapilipino. Nagsimula ang lahat nang matapos ang klase sa Pisikal na Edukasyon, nagkaroon kami ng maiksing panahon para makapagpahinga at magayos ng sarili para sa susunod na klase, Ang Panitikang Pilipino. Ni minsan ay hindi nasagi sa aking isipan na may mangyayaring kagalak-galak at susukat sa aking pagkapinoy. Sa pagpapatuloy ng aking kwento, sumapit ang ika-tatlo at kalahati ng hapon, hudyat upang magsimula na ang klase sa pilipino at ang paksa para sa araw na iyon ay tungkol sa "Panitikan sa Panahon ng kastila" at pumapailalim dito ay ang "Mga Akdang Patula". Sa aming malawak at punong-puno ng kaalaman na talakayan, napagusapan namin sa klase ang mga sikat na manunulat kagaya nina Gaspar Aquino de Belen, Padre Mariano Pilapil, ang "Ama ng Panitikang Tagalog" na si Francisco Balagtas at madami pang iba. Sa pagpapatuloy ng talakayan, napunta kami sa tula na pinamagatang "Labindalawang Sugat ng Puso", isa sa mga sumikat na tula ni Balagtas. Ang tulang ito ay nabigyan namin ng diin at siyang naging dahilan upang magkaroon kami ng isang gawain. Una ay ang ipaliwanag ang mensaheng hatid ng tula ni Balagtas at ang pangalawa ay gumawa ng isang tula na tungkol sa pag-ibig, sawi man o umiibig ang mensaheng gustong iparating nito. Bago ako magsimula sa pagsasagot, binasa kong muli at inunawang mabuti ang nasabing tula ni Balagtas na aming naisama sa talakayan. Madaling naihatid sa akin ng manunulat ang nais niyang iparating sa tula na para bang bumalik ako sa nakaraan at kasamang nila akong namumuhay noong mga panahong iyon. Nang matapos sa pababasa, agad akong nagsulat at ibinahagi ang pagkakaintindi ko sa tula. May bahagi sa aking kalooban na nakadama ng matinding pagkalungkot dahil sa mga sugat sa puso ng manunulat. Pagkatapos sa unang bahagi ng gawain, napaisip ako sa tulang aking gagawin. Noong una, wala pa akong maisip na mga salitang pupukaw sa puso ng magbabasa, hanggang sa hinawakan ko ang panulat at nagsimulang isulat ang mga nasa isip ko ng mga oras na iyon. Hindi ko namalayan na tuloy-tuloy lang ang aking pagsulat na para bang kahapon ko pa ginawa ang tula. Sa di inaasahang pagkakataon, nakabuo ako ng tula na may apat na saknong at ang bawat saknong nito ay binubuo ng apat na linya (4x4 kumbaga, di ung kotse ha! Hehe). At dahil sa ako'y pinalaki ng aking magulang na 'di madamot, hayaan ninyong ibahagi ko ang maikli ngunit makabuluhang tula na akin naisulat (^_^).


"Walang Kamatayang Pag-ibig sa Puso"
Ako'y isang nilalang
Na ang gusto ay umibig na lamang
Sa dalagang sinisinta
Kahit pa siya'y amoy alamang.
Ipaglalaban ka kahit sa iyong amang
Siya'y lahat para sa akin
ngunit parang may kulang,
Ang pag-ibig niyang walang kasing timbang
Gaya nga ng sabi ni Balagtas
"Kapag ang Pag-ibig ay pumasok sa puso nino man
hahamakin lahat
masunod ka lamang"
Ikaw ay igagalang
Kagaya sa aking inang
Ika'y sinisintang lubos kahit pa may kulang
Iibigin ka hanggang ako'y tumiwang-wang.
Hayaan ninyong ialay ko ang tulang ito sa isang binibini na aking lubos na iniibig. (Akin lamang napagtanto, iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng tao!) (^_~)
Hanggang dito na lamang poh, nawa'y nagustuhan ninyo at nakapagbigay ngiti sa inyong mga labi..

-(^_^)-


7 comments:

Ennael said...

hahahaha., naks., pede mo nang palitan si Balagtas., hahaha., =P

manika said...

I agree with verlie! hahaha...
kaya pala tinatanong mo ang tagalog ng lahat ng bagay noong sinusulat mo yan! hehe

Anonymous said...

gosh..nose bleed..

you really put a lot of effort on your works..

tsk..kainggit!!!!!!


and may i ask?


who's the gurl that you love??

m a d e l???




hehehe...

nicsytoh said...

Friendster Comment Tools

hehe..trinay ko ln toh..

Jay Jay said...

>Oi Verlie (kirathruclayne), di nmn sa galing nuon magsulat hahaha.. Ginagya ko lang hehehe..

>Yow cath! Eh Syempre para nkakadugo un mga tagalog ko hahaha diba diba??...

> Thankz nica! Yah si Madel nga hehehe..

nicsytoh said...

I thought you made this blog because a certain princess inspired you???


why aren't you posing anymore? Is it because you're not inspired anymore??



I really am looking forward to your posts... TT

Jay Jay said...

No! No! of course not...
It's just that there are lot of things to do in school, and i know that you're aware of that, and i have to prioritize those things...
Maybe I'll just post again after the finals hehehe, in other words, sem break hihihi... but anyway, I really wanna thank you mimo for reading my writings.. Thank you so much!. (^_~)